Saturday, February 19, 2005

My goodness!!! One year na kami!!! Happy Anniversary by!!! I Love You So Much! *mwaaaaaaah*

Sunday, January 04, 2004

2004 na... nabisita ko na naman to.. ala lang talaga ako magawa.. di pa ko inaantok.. lagi na kasing mga 2 am ang sleeping time ko.. sabi ko matutulog nako.. wag sana ko mahuli ^_^ so ayun nga, bagong taon na, bagong scenario na.. first time.. nakalasap ako ng bagsak sa skwela, alam ko nang mahirap pero nagpabaya pa rin ako..gago ko talaga. mabuti na rin cguro un at parang nasampal ako para magising, kung pumasa cguro ko dun.. iisipin ko, tuloy ang ligaya! hinde ako matatauhan.. balik na naman sa pag-aadik sa laro. nakakahiya sa mga magulang at kapatid ko, nung pasko, lahat sila good news, mataas grades, may bonus etc.. ako lang talaga ung bad news.. panira kumbaga. pucha, bumagsak ba naman ung 'scholar' nilang anak.. ano pa nga bang gagrabe dun?! zero men.. ZERO! ume-echo lagi yan sa tenga ko... bokya, itlog, kung ano pa man ang tawag dun.. sa wakas naparusahan din daw
ako sa kapabayaan ko, mashado raw kc ako pa-easy-easy.. di na naisip na may kahinaan din ako.. kahit ngayon na light na ung issue, madalas nila akong binibiro sa bagsak ko.. oo, nakikitawa ako pero feeling ko parang pilit nila akong dinidikdik palubog sa panliliit.. punchline na nga lagi un dito sa bahay.. nakakapikon na rin minsan.. pero wala akong magagawa, kasama yan sa parusa ko.. ang iniisip ko na lang ngayon e sana talaga mabawi ko.. hinde, mali.. BABAWIIN ko un! ewan ko kung pano, pero kailangan pilitin ko.. dun ko lang cguro mare-redeem ung sarili ko sa disgrace na dinulot ko sa kanila..

Tuesday, October 28, 2003

ngayon alam ko na kung baket sinabing ,"curiosity killed the cat!" nagppasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng curiosity para malaman ang ibang mga bagay-bagay na mgagamit ko.. pero bakit??...bakit ngayon pa umandar ang pagka-mausisa ko?! bakit kailangan ko pang malaman ngayon ang hindi ko gusto ko malaman?! buo na sana araw ko kanina mula pa lang paggising, may test pa ko ng micpro2 (ang pinakawalang kwentang subject sa buong buhay ko) sa gabi. hinde na tuloy ako makapagconcentrate sa dapat kong aralin. bakit hindi na lang ang mga isasagot ko sa test ang nalaman ko? bakit un pa?! hinde nako nadala..ang tanga ko talaga..lagi na lang ganito..TANGA MO! asa ka pa..

Wednesday, May 28, 2003

pasukan na! ang tagal na pala bago ako ullit nakapagpost.
syempre tag-ulan na rin. gusto ko talaga pag umuulan, hindi ko
maintindihan kung bakit. parang kakaiba ung feeling ko pag naulan.
hindi lang basta ulan na nagko-cause ng baha at kinaiinisan ng marami.

nung isang araw nga kulang na lang na maligo na ako ng
lubusan (hindi kasi ako nakapagdala ng payong) pero ok lang
talaga. enjoy nga e!

basta ang dami ko hindi maexplain pag umuulan.
isa lang ang alam ko: "gusto ko ng ULAN!!!!"

hahahahah! >> weirdo... yare yare Ü

Saturday, April 26, 2003

ganun pa rin ang buhay-buhay, di ko nga namalayan na sabado na pala.
para kasing di mo mo na mappancn ang pagkakaiba tuwing summer, e
pano lagi ka lang sa bahay. dala cguro ng matinding init, TUMUTUNAW
ng talino! hahahaha! (parang STAR FM ü)

wala pang adventure ang ating bida, except nakipagtelebabad lang
kaninang tanghali sa kaklase ko nung high school. nagtataka nga ako at lumipas
ang umaga ng hindi ako huumahawak ng pc?! himala to. nagsasawa nako
maglaro! Alleluia!

mabuti pa cguro at maglinis na lang akong kwarto at uuwi na ang kapatid ko
mga 2 weeks from now. (Alleluia ulit). sabi ng tatay ko sana raw mag-uwi
sya ng SARS (kc galing sya Singapore), SARS as in Sobrang Attractive,
Romantic at Sweet Syndrome. hehehe ano ba un? pero ewan ko, natawa
rin ako. ü

Adios...

Amen?..... AMEN!

Wednesday, April 23, 2003

"honesty is the policy.."
sana laging ganyan, sana rin laging ok ang outcome kapag
sinunod mo yan.

nkakapagtaka at imbis na pagalit na umaatikabo ang abutin
ko dahil sa baba ng grades ko e.. para akong umattend ng
ENCOURAGEMENT 101 sa tatay ko. hehe.nakakagaan naman
ng loob!

sana makabawi kaming lahat next term para naman
maitindig nami ulit ang mga bandila namin at hindi
rin masayang ang mga pinagpaguran namin...
pati na ng mga magulang namin.

(.. BOW..)

Tuesday, April 22, 2003

haay, tapos na naman ang isang araw. pero heto ako sa tapat ng pc, laylay
na nga mga mata ko e, kanina pa ko dito. kelangan ko lang talaga magdownload
ng sangkatutak na mp3.

anyway..

sobrang hanga talaga ko sa mga nagtitinda ng ice cream sa kalye. isipin mo
sa mala-impyernong init dito sa pilipinas tuwing tanghali ng summer, natitiis
nilang maglakad, maglako, at syempre hindi ubusin ang ice cream nila. kung
ako cguro un e matgal na akong nasipa ng amo ko kc mauubos ko ang sorbetes
nang wala akong kita. tsk tsk tsk.

naicp ko, ok cguro kung magiging buwena mano ako sa pagbenta nya.
kaya ayun bumili ako... nagpakasawa ako!!! nakakamiss din pala. ung
kumain ng malamig na sorbetes sa kalye.. tapos mararamdaman na
unti-unting tumutulo ung ice cream sa kamay mo. syempre wala kang panyo
kaya san mo ipapahid? sa damit! hahaha. naalala ko n nmn 2loy, gawain
ko yan nung bata ako. kaya lagi akong nanlalagkit and nalilimahid pag-uwi
sa bahay pagkatpos kumain ng ice cream.


..pero syempre hinde ko naman pinahid sa damit ko kanina.. sobra naman kayo. ü